Ang asignaturang ito ay nakakatulong upang ikaw ay magpapakita ng pag-unawa at pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos at pagtugon sa mga pandaigdigang hamon. Ito'y sa kabila ng malawak na pagkakaiba-iba ng sangkatauhan, dahil sa HEOGRAPIYA, KASAYSAYAN, KULTURA, LIPUNAN, PAMAHALAAN AT EKONOMIYA. Kailangan na ang pag-unawang ito ay patungo sa mapayapa, maunlad at matatag na kinabukasan.
Ang asignaturang ito ay makakatulong sa pag-unawa at pagpapahalaga sa kamalayan sa heograpiya, kasaysayan, kultura, lipunan, pamahalaan at ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon tungo sa pagbubuo ng pagkakakilanlang Asyano at magkakatuwang na pag-unlad at pagharap sa mga hamon ng Asya.